Tatlong araw matapos ang matinding insidente sa penthouse, pansamantalang inilipat ni Lucas sina Sierra at Dylan sa isang mahigpit na binabantayang private villa sa Alabang. Napakatahimik ng lugar, malayo sa ingay ng siyudad, at napapalibutan ng matataas na pader at napakaraming security guards.Habang nag-aalmusal sila sa mahabang lamesa sa beranda, binasag ni Lucas ang katahimikan. Nakasuot ito ng kanyang pormal na suit at nagbabasa ng ilang dokumento."Gaganapin bukas ng gabi ang taunang Altamirano Company Gala," malamig na anunsyo ni Lucas nang hindi inaalis ang tingin sa hawak nitong papel. "Lahat ng malalaking negosyante, board members, at mga maimpluwensyang pamilya sa bansa ay dadalo. And you are coming with me, Sierra."Natigilan si Sierra sa paghihiwa ng pancake para kay Dylan. "Ako? Bakit kailangan ko pang sumama? Baka pag-usapan lang tayo ng mga tao, Lucas. Alam mo naman kung ano ang tingin nila sa akin."Ibinaba ni Lucas ang mga dokumento at tumingin nang diretso sa mga m
Read more