Alas-diyes na ng umaga nang makalabas kami ng Tondo. Ang ingay, usok, at init ng siyudad ay tila ibang mundo kumpara sa payapang sandaling naranasan namin sa loob ng lumang bahay. Magkahawak-kamay pa rin kami ni Nosgel habang naglalakad patungo sa pangunahing kalsada. Wala kaming kotseng sundo, walang humihintay na sasakyan. Tulad ng sinabi niya—tayo lang.Sumakay kami ng pampublikong jeep. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang umupo sa matigas na upuan, dikit-dikit sa ibang pasahero, at hawak ang nakawagay na baras sa itaas. Hindi siya nagreklamo. Hindi siya yumukod o nagkunwaring mas mataas siya sa iba. Sa halip, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagkamangha at kapayapaan.Habang tumatakbo ang sasakyan, sumandal siya sa aking balikat.“Alam mo,” panimula niya nang mahina, sapat para ako lang ang makarinig. “Sa lahat ng limosina, pribadong eroplano, at mamahaling sasakyan na nasakyan ko… ito ang pinakamagandang biyahe ko.”“Dahil?” tanong ko habang nilalaro ang kaniyang mga daliri.“
閱讀更多