Lumipas ang labindalawang taon na parang mabilis na paglipad ng panahon. Ang maliliit na batang dala nila noon sa kanilang tahanan ay lumaki na at naging mga kabataang may sariling pagkatao, pangarap, at kalooban. Si Ellriel Danny ay naging matangkad, maayos ang tindig, at may katatagan ng loob na namana sa kanyang ama. Mahilig siya sa mga gawaing praktikal at sa pag-aaral ng pamamahala, madalas ay sumasama kay Gabriel sa mga pagbisita sa mga proyekto ng Vance & Hawthorne Corporation. Makinig, masunurin, ngunit matalino at may sariling paninindigan—mga katangiang hinahangaan ng lahat na nakakakilala sa kanya. Ngunit ang higit na pinag-uusapan sa loob ng tahanan at maging sa mga bilog ng kanilang mga kaibigan ay si Adia Jada. Lumaki siyang maganda, may matalas na isipan, at may tindig na tila ipinanganak na may kakayahang mamuno. Sa panlabas na anyo, maaaring hindi magkamag-anak sa dugo, ngunit sa ugali, pananalita, at paraan ng pag-iisip—walang makapagsasabing hindi siya tunay na a
閱讀更多