Kinuha ko ang phone niya na naka lagay sa IG at binasa yung name nito. Magnus Ezekiel Bourgeois. "Mabuti pa ikaw kilala mo yung mapapangasawa ko samantalang ako ay wala pang balak kilalanin siya," sarkastiko kong sagot sa pinsan ko. "Malamang tinanong ko si Uncle," sagot ni Allison sa'kin. Kaya pinindot ko acc ng lalakeng mapapangasawa ko na Magnus ang pangalan. Impernes mala TDH yung atake niya. May pagka Moreno yung balat niya at masasabi mo talagang face card never decline. Perfect jawline, pointed nose, perfect eye brows, kissable lips, natural grey eyes. Sa katawan naman. May muscle, biceps, v-line shape stomach, bulge abs, at anim yung pandesal."What do you think?" tanong ni Allison sa akin halata mong hinihintay sagot ko. "Mala Papa P ang atake niya... pero parang unang tingin hindi kame magkakasundo dalawa," buntong hininga ko. "My gosh nag-demand ka pa?" Singhal sa'kin ng pinsan ko. "For sure na pilitan lang din 'yan at ayaw niya rin magpakasal sa akin, baka nga may
Read more