Kaya binilian na namin maglakad at bumalik sa pwesto namin pero wala sila sa catage namin kaya naglibot-libot kame dito sa beach hanggat sa na hanap namin sila doon sa may tabing dagat na naka upo sa relaxing chair."Ang tagal niyo naman, tuyo na lalamunan namin ni Larkin dito..." Matinis na bungad sa amin ni Master Gleidan. Kaya binigay ni Irene yung buko juice na para sa kanya at si Phoebe naman nagbigay ng juice na para kay Larkin. "Hahahaha. Larkin, lakas ng loob mo magbabad huh? Hindi ka naman naglagay ng sun cream ayan tuloy nasunog at namumula 'yang balat mo," tumatawang sabi Phoebe kay Larkin. "I forgot, pero ayos lang 'yan... Sanay na rin naman ako masaktan." sagot ni Larkin sa kanya at bumangon sa pagkaka higa at humigop ng buko juice. "Ayy may nagpaparinig, move-on na kasi... May asawa na si Heidi," umiiling sambit naman ni Irene sa kanya. "Wag ka na umasa Larkin, nabirada na 'yan noong honeymoon nila ng baklang CEO na pinagseselosan mo, tignan mo kung paano maglakad,"
閱讀更多