Makalipas ng isa't kalahating oras na paggawa ay natapos na ako. Pinagpapawisan na nga ako kahit na sabihin mong may aircon naman dito. "Wohhh, nakaka pagod pala 'to gawin," buntong hininga ko. "Partida may aircon na madam pero pinagpawisan ka pa," umiiling sambit ni Gino. "Ganito ako kapag may gusto akong subukan na bago na hindi ko pa nagagawa, naglalaan talaga ako ng oras." sagot ko. "Madam Heidi, may long lasting effect ka bang nilagay?" tanong naman ni Karl. "Oo naman, gusto ko kasi nag stay sa damit at balat ko yung amoy kapag na amoy kung sino man makaka amoy." sagot ko sa kanila. "Aysus, gusto niyo lang po siguro mas lalong mahumaling sa inyo si Boss Magnus kaya ka siguro gumawa ng pabango na mabango at nakaka akit ang dating," panunukso sa akin ni Sunny. "Guilty as charge, syempre sinong asawa ang hindi gagawa ng paraan para hindi mahumaling pa lalo ang asawa niya sa kanya?" pagdadahilan ko sa kanya. "Tama 'yan madam Heidi, para iwas eskabetche," suportadong sabi nama
閱讀更多