Ganito ako kapag marami siyang reklamo. Inuungkat ko mga pagkakamali niya. Alam kong ang toxic pakinggan pero wala eh. Galit ako sa kanya. Tiisin niya para mapatawad namin siya ng mga anak niya sa ginawa niya noon. "Woahh, wala talagang panama sa 'yo si bakla," natatawang sabi ni Pia. "Tama lang 'yan, turuan mo ng leksyon para magtanda," sabi naman ni Veronica. "Hindi porket kaibigan namin siya ay kukunsintihin na namin siya sa mali niya," hasik naman ni Yanice. "Dapat lang 'yan kay Bakla matapos ng mga trato niya sa inyo dati," pag sang-ayon naman ni Gaile habang hinihimas yung tiyan. May baby bump na rin siya at lumalaki na rin unti-unti. "Alam kong may kasalanan si Magnie, pero hindi ba nakaka toxic pakinggan na inuungkat niyo sa kanya pagkakamali niya? Nagpupursigi na nga oh, di pa ba sapat 'yon?" komento naman ni Nathalie ay este ni Nathan. Para kasing naging lalake siya ngayon. "Wow, lalake siya ngayon huh," pang-asar sa kanya ni Pia. "Kundi namin gagawin 'yon ay hindi s
Magbasa pa