***Olivia's POV*** Umiinit pa rin sa hapdi sa palad ko, isang paalala sa nangyari kagabi sa opisina ng ninong ko. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata, hindi ang nangyari sa piyer habang mag-isa ako ang naaalala ko. Nararamdaman ko pa rin ang dampi ng labi niya sa palad ko. Naririnig ko kung paano niya sabihin ang pangalan ko, na tila sabik na sabik ito sa kung anong hindi ko mapangalanan. "Ang tahimik mo naman," pansin ni Drake, habang tinatapi-tapik ang manubela. He looked perfectly fine, rested even, oblivious, and entirely too casual for someone who had abandoned me. "Hindi kasi ako nakatulog," sagot ko at naging mapakla ang tono ng pananalita ko. "Napuyat ka? Sinabi ko naman sa'yo, Liv, I feel bad about the wallet thing. Pero nakauwi ka naman nang ligtas, 'di ba? There's no harm." Ang ganoong kadaling pagbabalewala niya sa naramdaman ko kagabi nang iwan niya ako ay mas masakit pa kaysa sa parusa ng sinturon ni Ninong Chandler kagabi. "No
Read more