***Chandler's POV***Nakatayo lang ako sa labas ng kusina, pinagmamasdan siya sa liwanag ng umaga.Nakayuko si Olivia sa counter, nakasuot ng oversized T-shirt. Hanggang kalagitnaan lang iyon ng hita niya, at sa kabila ng pagtatangka kong layuan siya simula noong insidente sa sala, hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan siya.Hindi ko siya maalis sa isipan ko.Mukhang malalim ang iniisip niya babang nagsasalin ng tubig sa baso.“Ang aga mo yata,” pagkuha ko sa atensyon niya. Nagulat siya, dahilan para tumalsik ang kaunting tubig sa counter. Hindi siya lumingon, pero nakita ko ang pagtaas ng mga balikat niya.“H-hindi ako nakatulog nang maayos, Ninong."“Ako rin.” Lumapit ako at inilapag ko ang kape ko sa counter. I didn't crowd her, but I stayed close enough to see the way she was nervously biting her lower lip. "Care to join me for breakfast?"“Busog ako,” mahina niyang sagot, saka tuluyang lumingon sa akin. Nangingilid ang luha sa mga mata niya, sinusuri ang mukha ko na may hal
Read more