Jameson's POVMabilis ang oras at natapos agad kami sa registration office. Nakababa ang tingin sa dalawang two-by-two pictures namin na nakapaloob sa marriage booklet, nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatingin sa inosenting ngiti ni Jasmine roon.Iginala ko ang paningin. Nakita ko siyang nakaupo sa bakanteng waiting area, naghihintay sa'kin dahil napagod siya sa mabilis na proseso ng kasal. Inabot ko sa kanya ang isang marriage booklet, bahagya pang nagulat sa'king pagdating."T-thank you, Mr. Hale," mahina niyang tugon. "Pero bakit ka yata nagmamadali? Hindi pa naman yata dapat na magparehistro—" sa tunong kinakabahan pa rin, hindi ko siya hinayaang tapusin ang gusto niyang sasabihin."Bakit hindi? Anomang oras simula ngayon, apilyedo ko na ang dala-dala mo. At saka, pwede bang huwag mo na akong tawagin sa pangalang Mr. Hale? Masyado kang pormal," seryoso kong katwiran sa kanya. "You can call me Alex or James for shortnames I have. I won't care about it anyway." Dugtong ko pa.Hin
더 보기