"Hoy, Margo, kilala kita!Huwag mong ibahin ang usapan, ano ba ang naging dahilan kung bakit bigla biglaang narito ka sa bahay ko at wala sa inyo, nag-away ba kayo ng inay at tiyuhin mo? Aba'y sa susunod na araw na ang graduation mo, magkuwento ka nga?" mahaba nitong sabi. "Ah ehm... parang ganoon na nga te!" tipid niyang turan dahil hindi niya alam kung saan at paano sisimulan ang pagkukuwento ng mga nangyari sa buhay niya nitong huling mga araw. "Anong ganoon na nga? Kilala kita hindi ka paparito kung wala kang problema, aber sige na huwag ka ng mahiya, sige na sabihin muna sa akin, Margo," hirit pa nito. "Kasi ate, nakakahiya," tugon niya pa. "Alam mo naman na kahit kailan hindi ka sa akin nakarinig ng pangungutya!" nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at tumabi sa kanya. "Ate, nakaggawa ako ng isang bagay na pinagsisihan ko na," panimula niya. "Kung ano man iyan Margo, hindi muna maibabalik pa ang nakaraan, nadapa ka man huwag mong hahayaan na kainin ka pabab
Read more