HER POVBiglang bumukas ang isa sa mga pinto at iniluwa doon ang kaibigan niya.Ganoon na lang ang galak niya ng makita si Donna at least may rason na siya ngayon upang makawala sa estrangherong lalake. "Beshywapz, oi, saan ka ba nanggaling? kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo," turan pa nito. "Ehhhh kasi iniwan mo, hinanap din kita," ganti niya. "Di bale, mabuti at nakita na kita dito, ito oh," abot nito sa kanya ng pera. "Ano ito?" taka niyang sabi. "Siyempre pera, pasahe mo! Maauna na ako sa iyo, besh! si boyfie nasa labas, naku, hindi nakatiis umuwi agad, magdedate daw kami, haist madidiligan na naman ang kempay ko nito!" maarte nitong sabi na humarap na sa salamin at pinasadahan ng retouch ang make-up nito. "Ano? Iiwan mo ako dito?" reklamo niya. "Besh, kaya nga binigyan na kita ng pasahe pauwi, carry mo naman sigurong umuwi mag-isa? Hindi ba?" may diin na sabi pa nito. "Pe-ro besh, puwede naman sigurong sumabay na lang ako sa inyo ng boyfriend mo?" agad niyang ag
Last Updated : 2026-05-12 Read more