HER POV Yehey, ate, totoo makakapag-aral na ako sa private school?" excited na sabi sa kanya ng bunsong kapatid na si Angel. "Oo naman gel, kapag nakapagradweyt na si ate sa susunod na linggo ay maghahanap agad ng trabaho si ate at kapag may magandang trabaho na ako, makakalipat ka na sa private school, gusto mo ba iyon?" turan niya sa bunsong kapatid. "Eh, si bunso lang ba ate, paano naman ako?" angal naman ni Jerry ang sumunod naman niyang kapatid. "Naku, si kuya naman nagtatampo agad, siyempre ikaw rin, pababayaan ba kita? Kung saan mag-aaral si bunso doon ka rin, lab na lab kaya kayo ni ate Margo," baling niya sa kapatid na lalake. "Ay sus, si kuya Jerry, eh, alam mo ate, hindi naman pag-aaral ang inaatupag niyan, puro porma lang ang ginagawa sa school sa mga babae," pahayag pa ng bunso niyang kapatid. "Hindi ah, hindi iyan totoo ate, sadyang gwapo lang talaga ako kaya lapitin ako ng mga babae, kasalanan ko bang sila ang lapit ng lapit sa akin," turan pa ni Jerry. "O
最終更新日 : 2026-05-06 続きを読む