"Dito muna kayo, ako muna kakausap kay boss," sabi pa ng tiyo Berting niya ng makapasok sila sa loob at inuwestra sila paupo sa malapad na couch sa magarbong sala ng villa. "Sige po," saad niya bagamat may kaakibat na kabang nadarama, ang inay Salve niya naman ay panay ang ngisi na tumango at parang nananabik ring makapasok sa napakaengrandeng villa. "Inay, pumirmi nga kayo, mamaya niyan makasira at makabasag pa kayo ng gamit, eh, dagdag bayarin na naman natin," saway niya sa ina na panay pa rin ang pakikialam at hawak sa mga bagay sa loob ng sala na bago sa mga mata nito. "Naku, Margo, napakayaman pala ng boss ng tiyong Berting mo, ako pa sa iyo pikutin muna ng makatikim naman tayo ng ginhawa sa buhay," wala sa loob na saad ng inay Salve niya na parang napakadali lang ng pinapaggawa nito sa kanya. "Inay, ano po ba iyahang pinagsasabi mo? Baka may makarinig sa inyo, nakakahiya!!," awat niya sa ina. "Sus, huwag ka ng mag-inarte diyan, saan pa ba patungo itong ginagawa natin
Read more