Therese Lopez POVKinabukasan ng hapon, nagpasya akong makipagkita muli kay Wendy sa isang tahimik na restaurant malapit sa BGC, malayo sa corporate crowd ng Sandoval Tower. Pagkarating ko sa silid na aking nirentahan para sa aming usapan, nakita ko siyang nakaupo na sa sulok habang balisang pinaglalaruan ang lalagyan ng asukal sa mesa. Nang makita niya akong pumasok, mabilis siyang tumayo at pilit na ngumiti. " Therese, thank you for coming. Akala ko talaga hindi mo na ako sisipot." Naupo ako sa tapat niya at inayos ang aking dalang folder sa ibabaw ng mesa. Malamig at seryoso ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. " Sit down, Wendy," walang emosyon kong sabi. " Let's make this quick. Marami pa akong kailangang tapusin na preparation para sa board meeting." Umupo siya muli at dahan-dahang iniharap ang kanyang mga kamay sa akin. Nakikita ko ang panginginig ng kanyang mga daliri at ang pamumula ng kanyang mga mata. " I want to start by saying I'm really sorry, Therese," mar
Leer más