Therese Lopez POV Nagising ako sa amoy ng sariwang hangin at sa sinag ng araw ng Tagaytay na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina. Pero mas ramdam ko ang bigat ng braso ni Leandro na nakapulupot sa aking baywang. Hindi siya bumitaw kahit sa pagtulog. Sa unang pagkakataon, hindi lang pagnanasa ang nararamdaman ko kundi isang kakaibang seguridad na alam kong mas mapanganib pa kaysa sa CSBD ko. Dahan-dahan akong bumangon, sinusubukang hindi siya magising, pero bago pa man tumama ang mga paa ko sa sahig, naramdaman ko ang mabilis na hila niya sa aking braso. Sa isang iglap, muli akong nakadagan sa matigas niyang dibdib. "Where do you think you're going, Lopez?" paos niyang tanong. "Magluluto lang sana ako ng breakfast, Leandro. Gutom na ako," pabulong kong sagot. Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Good. Because I'm starving, too. But not for food." Bago pa ako makatutol, binaliktad niya ang aming posisyon. Ang kanyang mga kamay ay dumeretso sa aking mga hita, dahan
Last Updated : 2026-05-06 Read more