Mikhaela's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ng mga taong naroroon sa birthday party ng uncle ni Ian. Halos lahat ay nakatingin sa amin, tila ba naghihintay sa susunod na mangyayari. Maging ako ay hindi alam kung paano ko ipoproseso ang lahat ng nangyayari sa harapan ko.Para akong nakatayo sa gitna ng isang napakalaking unos habang sunod-sunod na bumabagsak sa akin ang mga salitang hindi ko kailanman inakalang maririnig ko."Uncle, pinagtatakpan mo ba ang babaeng iyan sa ginawa niya? Pangalan na ng pamilya natin ang ginigiba ng babaeng iyan! Aangkinin mo pa ang bastardong anak niya?"Hindi pa man tuluyang nakakapagsalita si Leo ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Ian.Napaatras siya at tuluyang napaupo sa sahig. Nanatili siyang nakatitig kay Leo habang tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.Napasinghap ang mga bisita.Samantala, agad na napasigaw ang mga magulang ni Ian."What are you doing, k
Last Updated : 2026-10-01 Read more