LOGINMikhaela's Point of View
Matapos ang proposal ni Leo ay hindi ko na siya nakita matapos noon.Nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag-isa. Tahimik ang buong paligid, at walang kahit anong bakas na umuwi siya o dumaan man lamang dito pagkatapos ng nangyari kagabi.Saglit akong nanatili sa kama habang nakatitig sa kisame.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.Masaya ba ako?Kinakabahan?O sadyang hindi ko pa kayaMikhaela's Point of ViewNakakatampo siya.Ilang sandali akong tahimik habang naglalakad kami ni Dad sa hallway papunta sa living room.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.Italy.Nasa Italy si Leo.At ang mas nakakainis sa lahat ay hindi niya man lang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung kailan siya umalis.Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon.Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.Ang alam ko lamang ay nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag isa.At ngayon, nalaman kong wala pala siya sa mansion.Napabuntong hininga ako."Mika?"Napatingin ako kay Dad."Okay ka lang?"Tumango ako."Okay lang po."Ngunit kahit sabihin kong okay lang ako, alam kong halatang hindi.Hindi ko naman kayang itago ang tampo ko.Lalo na kay Leo.Simula nang maging bahagi ako ng buhay niya,
Mikhaela's Point of ViewNatatakot pa rin ang tingin nila sa akin.Kanina lamang ay halos hindi nila ako matingnan nang diretso, ngunit ngayon ay tila ba bigla silang nawalan ng hiya at lakas ng loob na tumakbo patungo sa dad ni Leo.Isa isa silang lumuhod sa harapan nito.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tatlong taong kanina lamang ay nanginginig sa takot sa harapan ko. Ngayon, para bang nakahanap sila ng taong inaakala nilang magiging kakampi nila.I could not help but stare at them.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.Ang bilis nilang magbago ng ugali."Mr. Moretti, tulungan niyo po kami," nanginginig na sambit ng isa sa kanila habang nakayuko. "Bigla bigla na lang po kaming pinapagalitan ni Miss Campbell."Agad namang sumunod ang isa."Oo nga po. Sinampal po niya ng dalawang beses ang pisngi ng head maid. Hindi po namin alam kung ano ang dahilan kung bakit."
Mikhaela's Point of ViewMatapos ang proposal ni Leo ay hindi ko na siya nakita matapos noon.Nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag-isa. Tahimik ang buong paligid, at walang kahit anong bakas na umuwi siya o dumaan man lamang dito pagkatapos ng nangyari kagabi.Saglit akong nanatili sa kama habang nakatitig sa kisame.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.Masaya ba ako?Kinakabahan?O sadyang hindi ko pa kayang tanggapin na sa loob lamang ng maikling panahon ay nagbago na ang katayuan ko sa pamilya Moretti?Kahapon ay isa lamang akong babaeng tinitingnan ng karamihan bilang asawa ni Ian.Ngayon, isa na akong babaeng may hawak na singsing sa daliri at tinatawag na fiancee ni Leo Moretti.At higit sa lahat, nakatira na ako sa mismong mansion ng mga Moretti.Dinala na rin dito ang mga gamit ko dahil malinaw na ang desisyon ni Leo.Dito na ako titira.
Mikhaela's Point of View"Don't tell me na plinanuhan mo ang lahat ng ito?"Natigilan ako sa sinabi ni Ian. Napatingin ako sa kanya nang diretso habang unti unting kumukunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoong konklusyon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang ako ang may pakana sa lahat ng nangyari ngayong gabi.Sa gitna ng napakaraming matang nakatingin sa amin, ramdam ko ang bigat ng bawat bulong at paghuhusga. Ang mga ilaw na kanina ay nagbibigay ng masayang ningning sa birthday party ay tila biglang naging malamig sa aking paningin."Pinagsasabi mo?""You use my uncle!"Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa naririnig ko. Parang kung anu anong kuwento na lamang ang binubuo ni Ian dahil hindi niya matanggap ang nangyayari sa harapan niya.Nasisiraan na yata siya ng ulo."Ian."Iyon lamang ang sinabi ko, ngunit tila sapat na i
Mikhaela's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ng mga taong naroroon sa birthday party ng uncle ni Ian. Halos lahat ay nakatingin sa amin, tila ba naghihintay sa susunod na mangyayari. Maging ako ay hindi alam kung paano ko ipoproseso ang lahat ng nangyayari sa harapan ko.Para akong nakatayo sa gitna ng isang napakalaking unos habang sunod-sunod na bumabagsak sa akin ang mga salitang hindi ko kailanman inakalang maririnig ko."Uncle, pinagtatakpan mo ba ang babaeng iyan sa ginawa niya? Pangalan na ng pamilya natin ang ginigiba ng babaeng iyan! Aangkinin mo pa ang bastardong anak niya?"Hindi pa man tuluyang nakakapagsalita si Leo ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Ian.Napaatras siya at tuluyang napaupo sa sahig. Nanatili siyang nakatitig kay Leo habang tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.Napasinghap ang mga bisita.Samantala, agad na napasigaw ang mga magulang ni Ian."What are you doing, k
3rd Person's Point of View*The day before tomorrow....Nagsasayahan na dumating isa isa ang mga bisita sa kaarawan mg uncle ni Ian. Ilang taon na itong nakatira sa Italya at ngayon ay ito ang unang beses na maghahanda ng kaarawan niya sa Pinas.Nakarating na sa okasyon si Ian at ang kasama nitong partner ang asawa nitong si Mika. Sa mata ng iilan ay perpektong mag-asawa ang dalawa pero ang hindi nila alam ay may abuso at pangbubugbog na nangyayari kay Mika.Nakangiti silang dalawa habang naglalakad sa mahabang red carpet habang sumasalubong sa kanila ang kamera sa gilid nila."Ang perfect naman ng couple na yan.""Yan na nga ang couple ng taon.""Balita ko mukhang ipapamana ng pamilya Moretti ang lahat ng shares nila sa pamangkin nitong si Ian Moretti dahil wala namang pamilya ang head of the family na si Leo Moretti.""Totoo yun at nabalitaan ko rin ang bagay na yun."Nakikinig lang si Mika habang naglalakad sila at ganun din si Ian na todo ang ngiti sa labi. Nabalitaan kasi ni Ia







