LOGINMikhaela's Point of View*
Nagising ako dahil sa silaw ng araw na tumama sa mukha ko at ramdam ko ang buong katawan ko na sobrang sakit. Napatingin naman ako sa paligid at wala ako sa kwarto ko ngayon. Dahan-dahan naman akong napatingin sa katabi ko na mahimbing na natutulog at naka-mask pa rin siya. Gusto kong kunin ang mask niya para makita ko kung ano talaga ang totoong itsura niya sa likod ng mask na yan. Dahan-dahang lumapit ang kamay ko nang biglang napahinto ako at dahan-dahan na napailing iling. Mas mabuti kung siya na mismo ang magtatanggal ng mask na suot niya. Karapatan naman niya ang bagay na yan. Doon ko nakikita ang makisig niyang katawan na kahit sinong babae ay nanaisin siyang tikman. Para akong naka-jackpot sa lalaking slave na napili ko kahapon. At isa pa hindi lang siya sa physical na magaling kundi pati sa performance napapatirik talaga ang mga mata ko sa sobrang sarap kagabi. Malayo talaga ang performance nilang dalawa ni Ian. Si Ian kasi inuuna niya ang sarili niya sa paglabas at matapos nun ay tapos na at matutulog na siya patalikod sa akin. Nasanay na ako na ganun lang ang nangyayari sa aming dalawa hanggang sa ngayon. Dahan-dahan akong bumangon at ramdam ko ang sakit sa pagitan ng binti ko at nanginginig pa ang dalawang binti ko. Hindi naman kasi niya ako tinatantanan hangga't di ko sinasabi na surrender na ako. Para na kasi akong nababaliw kagabi sa nangyari. Parang nakuhaan ulit ako ng virginity. Dahan-dahan naman akong napailing iling. Imposible naman ang ganung bagay dahil ang asawa ko ang nakakuha nun. Isa isa kong kinuha ang mga gamit ko at sinuot ko 'yun bago ako napatingin sa pwesto nung lalaki na mahimbing pa ring natutulog. Kumuha ako ng pera sa bag at dahan-dahan ko itong inilagay sa lamesa bilang bayad sa nangyari sa amin at nagsulat din ako para di siya mag-aalala na kung mabuntis man ako ay wala siyang ibibigay sa anak namin. Napatingin ulit ako sa kanya bago ako lumakad palabas ng kwarto. Sa totoo lang yun ang pinaka the best experience na nangyari sa akin at di ko yun kailanman makakalimutan. Lumakad na ako palabas at agad naman akong nakita ng driver ko kaya agad niyang pinatakbo ang sasakyan papunta sa akin. Nahihilo ako sa totoo lang. "Saan po tayo, madame?" "Sa condo ko muna." "Madame, sabi po ni boss na sa mansion na po raw kayo dumiretso." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Magpapahinga muna ako doon sa condo ko." Natahimik naman ito at sumunod na lang sa sinabi ko. "Saan nagpunta kagabi ang amo mo?" Natigilan naman ito at napatingin sa akin. "Po?" Tinaasan ko siya ng kilay at napalunok naman ito. Hindi naman kasi magaling sa pagsisinungaling itong driver ko. "He's with my sister, right?" "Luh, paano niyo po nalaman, ma'am?" Nagsama talaga silang dalawa. "Nothing." Nakarating kami sa condo at agad na akong dumiretso sa kwarto ko para makaligo na ako at makapag ayos. Nang isang iglap ay bigla akong napahawak sa ulo ko dahil parang umikot ang paningin ko saglit. Napahawak naman ako sa lababo at napabuntong hininga. Ano ba ang nangyayari sa akin? Dahan-dahan na lang akong napabuntong hininga. Lumabas na ako matapos akong naligo at nagbihis ng damit. Gusto kong matulog ng buong araw. Pero bago yan ay kakain muna ako. Biglang naamoy ko ang pagkaing nasa lamesa ay biglang umiba ang pakiramdam ko at agad akong napatakbo papunta sa lababo at sumuka ako. Wala naman akong masuka na mas lalong kinataka ko. Doon na mabilis na tumibok ang puso ko at dahan-dahan akong napatingin sa tiyan ko at napahawak ako roon. "Ibig bang sabihin nun ay nagdadalantao na ako?" Mapahawak ako sa bibig ko. Nakaramdam ako ngayon ng sobrang saya sa puso ko. "Thank god..." Biglang tumunog ang phone ko na kinatingin ko roon. Tumatawag si Ian. Sinagot ko naman ang tawag niya. "Where the hell are you, Mika." "Cursing at me? Matapos mong ipagawa sa akin ang bagay na ayokong gawin sa buong buhay ko?" Natahimik naman sa kabilang linya at napaubo naman siya ng mahina. "I'm coming for you. Where are you? Buntis ka na ba?" Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi man lang niya ako kinumusta. "Tatawag lang ako kung okay na ako." "What? Hey! Don't forget the party the day after tomorrow." Binaba ko na ang tawag at humiga na ako sa kama. Nag-message ako sa personal assistant ko na pabilihin ko siya ng pregnancy test. Pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog. 3rd Person's Point of View* "Damn! Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko sa kanya!" Galit na galit si Ian na sinipa ang basurahan na nasa harapan niya ngayon. Agad namang napakapit si Deserie sa kanya. "Babe, hayaan mo na. Alam mo naman na malaki ang chances ni Mika na mabuntis ngayon. Binilang ko kaya kung kailan ang huling regla niya." Napangiti naman si Ian. "I trust you. Sigurado naman ako na mabubuntis siya ng isang slave at sasabihin natin sa birthday ni uncle ang pagtataksil ni Mika sa akin at di naman hahayaan ni grandpa na hindi ako makasal sa pamilya ninyo kaya sa sa 'yo niya ako ipapares." Napangiti naman si Deserie sa sinabi nito at pinalibot niya ang kamay niya sa batok ni Ian. "I'm so excited na maging asawa mo." Agad namang hinalikan ni Deserie si Ian. "You're mine only. At ikaw at ang anak natin ang magmamana ng lahat ng ipapamana sa akin ni uncle." "Yes!" Nag-cheers naman sila sa hawak nilang wine. Mika's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa PT na pinabili ko kanina. Kagaya ng inaasahan ko ay positive ang resulta ng PT na kinatakip ko sa bibig at napaluha na lang ako. Agad kong pinunasan ang luha ko. Ito na ang oras para paghandaan ang mangyayari. Pagkatapos ng lahat ng ito ay aalis ako ng bansa at doon magbabagong buhay. "Diane." "Po?" Lumapit sa akin ang personal assistant ko. "Prepare everything. May plano ako." "Sabihin niyo lang po sa akin." ***** LMCD22Mikhaela's Point of ViewNakakatampo siya.Ilang sandali akong tahimik habang naglalakad kami ni Dad sa hallway papunta sa living room.Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi niya.Italy.Nasa Italy si Leo.At ang mas nakakainis sa lahat ay hindi niya man lang sinabi sa akin.Hindi ko alam kung kailan siya umalis.Hindi ko alam kung gaano siya katagal doon.Hindi ko rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.Ang alam ko lamang ay nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag isa.At ngayon, nalaman kong wala pala siya sa mansion.Napabuntong hininga ako."Mika?"Napatingin ako kay Dad."Okay ka lang?"Tumango ako."Okay lang po."Ngunit kahit sabihin kong okay lang ako, alam kong halatang hindi.Hindi ko naman kayang itago ang tampo ko.Lalo na kay Leo.Simula nang maging bahagi ako ng buhay niya,
Mikhaela's Point of ViewNatatakot pa rin ang tingin nila sa akin.Kanina lamang ay halos hindi nila ako matingnan nang diretso, ngunit ngayon ay tila ba bigla silang nawalan ng hiya at lakas ng loob na tumakbo patungo sa dad ni Leo.Isa isa silang lumuhod sa harapan nito.Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang tatlong taong kanina lamang ay nanginginig sa takot sa harapan ko. Ngayon, para bang nakahanap sila ng taong inaakala nilang magiging kakampi nila.I could not help but stare at them.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.Ang bilis nilang magbago ng ugali."Mr. Moretti, tulungan niyo po kami," nanginginig na sambit ng isa sa kanila habang nakayuko. "Bigla bigla na lang po kaming pinapagalitan ni Miss Campbell."Agad namang sumunod ang isa."Oo nga po. Sinampal po niya ng dalawang beses ang pisngi ng head maid. Hindi po namin alam kung ano ang dahilan kung bakit."
Mikhaela's Point of ViewMatapos ang proposal ni Leo ay hindi ko na siya nakita matapos noon.Nagising ako sa kwarto niya na ako lang mag-isa. Tahimik ang buong paligid, at walang kahit anong bakas na umuwi siya o dumaan man lamang dito pagkatapos ng nangyari kagabi.Saglit akong nanatili sa kama habang nakatitig sa kisame.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko.Masaya ba ako?Kinakabahan?O sadyang hindi ko pa kayang tanggapin na sa loob lamang ng maikling panahon ay nagbago na ang katayuan ko sa pamilya Moretti?Kahapon ay isa lamang akong babaeng tinitingnan ng karamihan bilang asawa ni Ian.Ngayon, isa na akong babaeng may hawak na singsing sa daliri at tinatawag na fiancee ni Leo Moretti.At higit sa lahat, nakatira na ako sa mismong mansion ng mga Moretti.Dinala na rin dito ang mga gamit ko dahil malinaw na ang desisyon ni Leo.Dito na ako titira.
Mikhaela's Point of View"Don't tell me na plinanuhan mo ang lahat ng ito?"Natigilan ako sa sinabi ni Ian. Napatingin ako sa kanya nang diretso habang unti unting kumukunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganoong konklusyon, ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang ako ang may pakana sa lahat ng nangyari ngayong gabi.Sa gitna ng napakaraming matang nakatingin sa amin, ramdam ko ang bigat ng bawat bulong at paghuhusga. Ang mga ilaw na kanina ay nagbibigay ng masayang ningning sa birthday party ay tila biglang naging malamig sa aking paningin."Pinagsasabi mo?""You use my uncle!"Napatitig ako sa kanya.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa naririnig ko. Parang kung anu anong kuwento na lamang ang binubuo ni Ian dahil hindi niya matanggap ang nangyayari sa harapan niya.Nasisiraan na yata siya ng ulo."Ian."Iyon lamang ang sinabi ko, ngunit tila sapat na i
Mikhaela's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ng mga taong naroroon sa birthday party ng uncle ni Ian. Halos lahat ay nakatingin sa amin, tila ba naghihintay sa susunod na mangyayari. Maging ako ay hindi alam kung paano ko ipoproseso ang lahat ng nangyayari sa harapan ko.Para akong nakatayo sa gitna ng isang napakalaking unos habang sunod-sunod na bumabagsak sa akin ang mga salitang hindi ko kailanman inakalang maririnig ko."Uncle, pinagtatakpan mo ba ang babaeng iyan sa ginawa niya? Pangalan na ng pamilya natin ang ginigiba ng babaeng iyan! Aangkinin mo pa ang bastardong anak niya?"Hindi pa man tuluyang nakakapagsalita si Leo ay isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Ian.Napaatras siya at tuluyang napaupo sa sahig. Nanatili siyang nakatitig kay Leo habang tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.Napasinghap ang mga bisita.Samantala, agad na napasigaw ang mga magulang ni Ian."What are you doing, k
3rd Person's Point of View*The day before tomorrow....Nagsasayahan na dumating isa isa ang mga bisita sa kaarawan mg uncle ni Ian. Ilang taon na itong nakatira sa Italya at ngayon ay ito ang unang beses na maghahanda ng kaarawan niya sa Pinas.Nakarating na sa okasyon si Ian at ang kasama nitong partner ang asawa nitong si Mika. Sa mata ng iilan ay perpektong mag-asawa ang dalawa pero ang hindi nila alam ay may abuso at pangbubugbog na nangyayari kay Mika.Nakangiti silang dalawa habang naglalakad sa mahabang red carpet habang sumasalubong sa kanila ang kamera sa gilid nila."Ang perfect naman ng couple na yan.""Yan na nga ang couple ng taon.""Balita ko mukhang ipapamana ng pamilya Moretti ang lahat ng shares nila sa pamangkin nitong si Ian Moretti dahil wala namang pamilya ang head of the family na si Leo Moretti.""Totoo yun at nabalitaan ko rin ang bagay na yun."Nakikinig lang si Mika habang naglalakad sila at ganun din si Ian na todo ang ngiti sa labi. Nabalitaan kasi ni Ia







