THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 113KYLIE POV“Kylie, apo..” Napalingon ako kay Lola, at malawak siyang napangiti sa akin. Nasa harapan ako ng salamin, at nakasuot ng wedding gown, ngayon ang kasal namin ni Daxton, kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng kaba. “Ang ganda mo sa suot mo apo..” Wika sa akin ni Lola, habang nilapitan niya ako at inayos niya ang buhok ko. Gusto ko sanang tanungin si Lola kung nandito ba si Mommy, pero natatakot ako, natatakot ako sa posible na sabihin ni Lola. Hindi ko akalain na ganito pala ang nararamdaman ni Mommy noong ikinasal siya ni Daxton. “Bakit malungkot ka apo? Kasal mo ngayon, dapat masaya ka..” Hindi ko mapigilan na yakapin si Lola, dahil sa kaba na nararamdaman ko. “Apo, ‘wag kang kabahan, dahil maging maayos ang kasal mo..” Wika sa akin ni Lola, habang na-patingin ako sa pinto, nang bigla nalang itong bumukas. “Mateo..” Sambit ko, habang binitawan ko si Lola. “Ang ganda mo..” Napangiti ako sa kanya, dahil sa kanyang sinabi sa
Last Updated : 2026-08-25 Read more