THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 94KYLIE POV“Dad, kayo na po muna ang bahala kay Keith, dahil kailangan ko nang pumasok.” Wika ko kay Daddy, habang kinuha niya sa mga bisig ko si Keith. Hindi na kami naka-uwi sa bahay ni Leah, at hindi na rin naka-uwi si Mateo, dahil may mga meeting pa siya, kasama ang kanyang ama, rito ko na rin iwan mo na si Keith, dahil wala rin naman akong maiwan sa kanya, sa bahay ng pamilya ni Mateo. “Ako na ang bahala sa apo ko Kylie, ‘wag ka nang mag-alala pa.” Wika ni Daddy, habang humalik ako sa kanyang pisngi. “Kung may kailangan po kayo Dad, tawagan niyo nalang po ako.” Tumango sa akin si Daddy, habang hinalikan ko ang noo ni Keith. Habang binabaybay ko ang daan papunta sa opisina, ay narinig ko ang tunog ng phone ko. Nang makita ko kung sino ang tumawag, ay hindi ko ito sinagot, dahil alam kong magagalit na naman siya, dahil sa hindi ko pagdala kay Keith sa bahay nila ni Leah. Pinatay ko ang tawag niya, habang na-patingin ako sa bintana ng k
Last Updated : 2026-08-19 Read more