THE STEPDAUGHTER OBSESSION (SSPG)CHAPTER 86KYLIE POV“Paalis na kami, susunod kaba?” Tanong ko kay Mateo, dahil tumawag siya sa akin. “Titingnan ko, kung maaga akong umuwi susunod nalang ako, pero mukhang uuwi rin sila agad, dahil hindi sila pumasok sa opisina nila,” wika niya sa akin sa kabilang linya. “Kaya nga, hindi ko alam kung bakit trip nilang gumala ngayon at kasama pa ako.” “Sumama kana, alam mo naman na sabik din ang mommy mo na makasama ka, sa tingin ko kasi gusto niyang bumawi sa ‘yo.”“Oo na..” “Mag-ingat ka ro’n, ang anak natin, ingatan mo.” “’Wag kang mag-alala, iingatan ko ang anak mo..” ngiting wika ko sa kanya. “Sige na, aalis na kami.” Paalam ko kay Mateo, habang mabilis kong binaba ang phone.“Pumasok kana Kylie..” Wika sa akin ni Leahm kaya mabilis akong pumasok sa loob ng kotse. “Tayo lang?” tanong ko, dahil nakita kong si Daxton ang nag-drive. “Nasa likod ang mga tauhan natin, gusto kasi ng tito mo na ipag-drive tayo..” Ngiting wika ni Leah, habang nil
Last Updated : 2026-08-17 Read more