Naniniwala siya sa sinabi nito.Sa katotohanan pa man din, wala talaga siyang intensyong tumawag ng pulis. Kapag nadawalan na ito, tiyak na makikialam agad si Gavin upang ipagtanggol at iligtas si Rafael. Sa huli, siya pa rin ang matatalo at mapapahamak.Isa pa, kung pupunta pa sila sa istasyon ng hatinggabi para magpaliwanag at ayusin ang gulo, tiyak na pasikat na ng araw bago siya makauwi.Naghihintay pa naman ang mga bata sa bahay...Nahalata ni Ophelia na ayaw naman talaga ni Rafael na isangguni ito sa pulisya, kaya mahinahon siyang nagtanong. “Kung gayon, ano ba ang gusto mong mangyari?”Itinuro ni Rafael ang anim na baso ng alak na nakahilera sa mesa. “Kapag nainom mo ang lahat ng ‘yan, wala ka nang babayaran para sa cake.”Nag-alangan si Ophelia.Muli namang nag-ingay ang mga kasama nito.“Pinagbigyan ka na nga ni Mr. Tan, ano pa bang tinatamad-tamad ka riyan? Inom na!”“Tama nga ‘yan, huwag mong isipin na pwede kang humingi pa ng higit pa rito!”Sumandal si Rafael sa pinto at
Read more