Jeriel Ford Severin POV Maaga akong nagising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa malaking glass window ng master bedroom. Paglingon ko sa kanan ko, wala na si Shanaia pero pamilyar ang amoy ng kaniyang pabango na naiwan sa unan. Bumangon ako, isinuot ang isang simpleng white t-shirt at sweatpants, saka dahan-dahang lumabas ng kuwarto para hanapin siya. Naratnan ko siya sa kusina, nakatayo sa harap ng malaking stove habang nakasuot ng isa sa mga oversized button-down shirts ko na halos umabot na sa tuhod niya. Kakaibang saya ang bumalot sa buong penthouse habang pinapanood ko siyang nakatali ang buhok sa isang magulong bun, seryosong-seryoso habang nagbubukas ng mga cabinet ko. "Good morning, baby," pabalong kong bati habang lumalapit sa likod niya, sabay yakap sa kaniyang baywang at pagpapatong ng baba ko sa kaniyang balikat. "Ang aga mo namang magising. What are you doing?" "Good morning," nakangiting sagot niya, bahagyang humilig sa dibdib ko. "I'm trying
Read more