Kabanata 64 Samantha's Point of View "Good morning, Doktora!" bati ng ilang mga kasamahan ko sa ospital nang nakita nila akong pumasok na. "Good morning!" sagot ko na may ngiti. "Kamusta kayo?" "Okay naman po," sabi ng isang nurse. "Na-miss po namin kayo, Doktora." "Na-miss ko rin kayo," sagot ko. "Ano ang mga pasyente ngayon?" "Marami pong bata ngayon," sabi ng nurse. "Dahil sa pagbabago ng panahon. Maraming nilalagnat at may ubo." "Okay," sabi ko. "Ako na ang bahala sa kanila." Makalipas ang mahigit isang buwan kong leave, nakabalik na rin ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho bilang isang doktor. Miss ko ang mag-alaga ng mga pasyente. Miss ko ang makita ang mga ngiti ng mga bata. Miss ko ang marinig ang kanilang mga tawa. Miss ko ang makita ang kanilang paggaling. Ang sarap-sarap din gumising lalo pa't pagkagising ko ay may nakahanda ng pagkain. Si Gabriel mismo ang nagluluto. Ang kanyang mga luto ay simple ngunit masarap, puno ng pagmamahal at pag-aalaga. Kaya paki
Read more