Zane’s POV “Mr. Villanueva, your signature, please.” Hindi ko na halos narinig ang sinasabi ng assistant ko habang walang emosyon kong pinipirmahan ang mga documents sa harap ko. Tatlong oras. Tatlong oras na meeting pero pakiramdam ko wala namang pumapasok sa utak ko. Numbers. Contracts. Expansion plans. Usually, madali lang sa akin mag-focus sa mga ganyang bagay kahit gaano pa kabigat ang araw ko. Pero ngayon, tuwing tatahimik ang isip ko kahit isang segundo lang, isang mukha lang ang bumabalik. Mich. Fuck. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen bago ko iyon mariing ibinagsak sa mesa. “Sir?” naguguluhang tawag ng isa sa board members. Mabilis akong tumayo. “Continue the discussion without me.” Hindi na ako naghintay ng sagot at tuluyan nang lumabas ng conference room. Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga ako habang ginugulo ang buhok ko gamit ang aking kamay. Nakakairita. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko siya maalis sa isip ko. Isang gabi la
Read more