Zane’s POV Mahigpit kong hinila pababa ang necktie ko pagkapasok sa penthouse unit ko. Tahimik agad akong sinalubong ng madilim na paligid. No voices, No family, No expectations. Just silence. Pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalo lang sumikip ang dibdib ko habang naaalala ang naging usapan namin kanina. Veronica, Marriage, Obligations, and Legacy. Paulit-ulit na lang. Parang wala silang ibang nakikita sa akin kundi isang lalaking kailangang sumunod sa plano nila. Mahina akong napamura bago dumiretso sa mini bar at nagsalin ng whiskey sa baso. One shot. Then another. Pero kahit gaano karaming alak ang inumin ko, hindi pa rin nawawala ang isang mukha sa isip ko. Mich. Fuck. Tatlong taon na. Tatlong taon ko nang sinusubukang kalimutan ang babaeng iyon pero parang mas lalo lang siyang tumatatak sa utak ko habang tumatagal. Hindi ko na nga maalala ang mukha ng ibang babaeng nakasama ko noon. Pero siya? I could still remember every detail. Her eyes. Her laugh. The
Magbasa pa