Maingay ang buong bar.Halo-halong tunog ng malalakas na bass, tawanan ng mga taong lasing, lagabog ng baso, at mga katawang sabay-sabay na gumagalaw sa ilalim ng makukulay na ilaw.Pero sa gitna ng magulong lugar na iyon, pakiramdam ni Mich ay siya lang mag-isa.Nakatulala siya sa hawak niyang baso habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Adrian.Iyong paraan ng paghawak nito sa ibang babae.Iyong ngiti nito.Iyong tingin nitong minsan niyang inakalang para lang sa kaniya.Napapikit siya habang mabilis na inubos ang laman ng baso niya. Ramdam niya agad ang init na dumaloy sa lalamunan niya pababa sa sikmura.“Another one,” mahinang sambit niya sa bartender.Hindi na siya sanay uminom. Pero ngayong gabi? Pakiramdam niya kailangan niyang lunurin ang sakit. Kahit pansamantala lang.“Mukhang wasak si ate girl ah,” natatawang sambit ng bartender habang nagsasalin muli ng alak.Tipid lang siyang ngumiti.If only he knew.Huminga siya nang malalim bago muling uminom. Unti-u
آخر تحديث : 2026-05-18 اقرأ المزيد