[Her First Move]MAAGANG gumising si Doña Betina. At maganda ang mood niya. Nagkaroon siya ng isang magandang ideya sa nagdaang pakikipag-usap niya sa pamilya ni Celine."Good morning, Madam.""Mas maganda ka pa sa umaga, Saling.""Mukhang maayos ang tulog at gising niyo, ah?''''Yes, yes. I even had a good dream.''Magkaabay na ang dalawa sa pagtungo sa komidor. Nakahain na roon ang almusal. Ipinaghila ng upuan ni Saling ang amo.''Salamat.''''Ano naman ang magandang napanaginipan mo?''''Hulaan mo?'' panunudyo pa ni Doña Betina.''Mukhang hindi iyan mahirap hulaan,'' wika nito habang naghahain ng pagkain sa plato ng amo.''Go ahead. If you guess it right, bibigyan kita ng bonus.''''Napanaginipan mong nasa reception ka ng isang kasal at maganang kumakain.''''Haist!'' asik ni Doña Betina. ''Bakit naman dumiretso ka kaagad sa reception? Nilagpasan mo ang exciting part!''Natawa si Saling.''You know how to tease an old woman, huh? Wala kang bonus!''Dinampot nito ang coffeemaker na
Read more