[Play-A-Game]"LOLA, Lolo..."Natuon ang tingin ng mag-asawa kay Noah. Kasalukuyan na silang nasa isang restaurant matapos ang paikot-ikot at nakakahilo nilang biyahe."Huwag niyo pong bibilisan kumain.""Bakit naman, apo?" tanong ni Marina na may kasama pang masuyong paghaplos sa buhok ni Noah na napapagitnaan nila ng asawa."Old people po should eat slowly because their tummy is also old. It is weak at digesting food. Right, Mommy, Tita Ninang?"Nagkasulyapan muna ang magkaibigan bago sabay na tumango."Ganoon ba?" saad ni Andoy matapos i-translate ni Celine ang sinabi ni Noah. "Sige. Babagalan naming kumain dahil sinabi mo.""Thank you po, Lolo." Bumaling ito kay Jeff. "Tito, because we are not old, we can eat faster. Then, we can play there!" sabay turo nito sa children's playground na nasa kabilang kalsada at katapat lang ng restaurant"Okay.""You're the best, Tito!"Habang naghihintay sila ng kanilang order ay hindi naman sila nabagot dahil sa kadaldalan ni Noah na hindi talaga
Read more