[The Man In His Ferrari]LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya.''Arnold, ano pang ginagawa mo? Get in!''''Yes, sir!''Hindi niya inalis ang mga kamay sa bintana kahit isinasara na iyon. Napapikit siya. Nakahanda na siyang maipit at muling masaktan. Pero tumigil ang pag-angat niyon.''Hindi ka ba bibitiw, ha?''''Sir, nakikiusap po ako. Magbabayad po ako.''''Huh? Do you know how expensive this car is? This is Ferrari. The high-end one.''''Hindi ko naman po bibilhin. Makikisakay lang ako.''''It's the same thing!''''Gagawin ko po lahat nang gusto niyo. Basta ilayo niyo lang po ako sa lugar na ito.''''If your life is in danger, huwag mo akong idamay. Let go!''''Please?''Sinabayan ng taimtim na panalangin ni Celine ang muling pananahimik ng kausap. Hindi man
Last Updated : 2026-05-27 Read more