PAALIS na si Selene nang lapitan niya si Rosa habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Ate," mahina niyang tawag rito upang hindi marinig ng anak ang kung ano man ang sasabihin niya.Lumingon ito habang pinupunas ang kamay sa suot na apron. "Ano po 'yun, Ma'am?""Aalis na 'ko, kung sakaling may maghanap o kung may tumawag man… Please, 'wag mong pansinin."Tumango si Rosa, naiintindihan ang ibig nitong sabihin. Sa ilang taon niyang paninilbihan. Mula nang sanggol pa si Alessia ay unti-unti niyang nauunawaan ang sitwasyon ni Selene kahit hindi man nito direktang sabihin."'Wag po kayong mag-alala, Ma'am. Ako na po ang bahala, safe po sa'kin si Alessia."Nakahinga nang maluwag si Selene, nagpasalamat saka tuluyang umalis. Nang nasa pinto na ay humabol ang anak. "Mommy!"Nag-angat siya ng tingin habang nagsasapatos. Saglit siyang tumigil sa ginagawa at pinanood ang anak. Napangiti siya habang nakikita ang maliit nitong paa na tumatakbo palapit—ang dalawang kamay ay nakaabang para sa ya
Magbasa pa