INICIAR SESIÓNKUMURAP-KURAP ang mata ng doctor sa tanong ni Lucien. Naguguluhan dahil malinaw na lagpas eight weeks na ang pinagbubuntis ni Athena.Gayon pa man, bago pa makapag salita ay mabilis nang naunahan ng dalaga. "Ang cute-cute ng baby natin, Lucien… excited na 'kong makita siyang unti-unting lumalaki sa tiyan ko."Napatingin si Lucien, kita ang namumuong luha sa mga mata ni Athena habang may ngiti sa labi.Ang doctor naman ay tinikom na lang ang bibig. Sinakyan kung anong sinasabi ni Athena pero may balak pa rin itong kausapin mamaya.Nang matapos sila sa procedure ay bumangon na si Athena, inayos ang suot na damit. Saktong tumunog ang cellphone ni Lucien, may tumatawag mula sa trabaho kaya nagpaalam muna ito saglit na sasagutin ang tawag.Pagkaalis ay lumapit ang doctor. "Misis… pwede ka bang makausap? Tungkol kanina sa sinabi ng asawa mo—"Mula sa nakangiti ay biglang tumalim ang tingin ni Athena. "Shut up, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanya ang totoo." Pagkatapos ay naglabas ng salapi
HABANG patungo si Selene sa ward para i-check ang mga pasiyente ay nakatanggap siya ng text message mula sa nurse station. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang dalawang nurse at may sinasabi ang dalawa tungkol sa mga pasiyente.Kaya nawaglit ang atensyon niya sa mensahe. Hanggang sa makarating sila sa ward kaya itinago niya ang cellphone sa bulsa at pumasok na sa silid.Nagtagal sila roon ng halos kalahating oras dahil anim na pasiyente ang nagsi-share sa iisang kwarto. Nang matapos ay bumalik din naman agad siya sa sariling opisina.Pero madadaanan niya muna ang nurse station, napansin niyang tila may pinagkakaguluhan ang mga naroon kaya sandali siyang natigilan. Nakiusisa hanggang sa mapansin siya ng nurse na naroon."Doc Selene! Halika, may delivery para sa'yo," anito.Hindi agad siya kumilos dahil wala naman siyang natatandaan na nagpadeliver siya o kung ano pa kaya nilapitan siya ng nurse at marahang hinila palapit sa station.Doon nakita niya ang iba't ibang kulay ng roses. Sa
LUMINGON si Lucien at pinagmasdan ang asawa hanggang sa tuluyan itong makalapit. "You're here."Matalim na tingin ang pinukol ni Selene pero nang tingnan ang abuela ay biglang naging malambing. "Lola…" tawag niya rito sabay lapit. "Kumusta po kayo?"Tinitigan siya ng matanda, tila ba inaalala ang kanyang mukha. Pagkatapos ay biglang ngumiti. "Ang ganda mo."Napangiti si Selene. "Natatandaan niyo po ba ako?""Anong pangalan mo?""Selene po.""Selene… taga rito ka ba?"Naging mapait ang kanyang ngiti pero sanay na siya roon. Simula nang magkasakit ang abuela, ni minsan ay hindi siya nito naalala. Gayon pa man ay hindi siya magsasawang maghintay."Taga ro'n lang po ako sa labas, 'La. Namiss ko po kayo kaya bumisita ako," ani Selene."Single ka ba?"Bagama't nagtataka sa biglaang tanong ng abuela ay tumango siya.Pagkatapos ay nag-angat ng tingin si Leonor kay Lucien sabay turo. "Ang pogi niya, bagay kayo."Lumingon si Selene, tiningnan nang masama si Lucien nang makitang tuwang-tuwa ito
LINGGO, maagang nagsimba sila Selene kasama ang anak, si Rosa at ang kaibigan. Pagkatapos ay sumaglit sila sa mall para maipasiyal saglit si Alessia.Si Kyla ang may hawak sa kamay ng bata habang naglalakad-lakad sila. Nang mapadaan sa grocery store ay nagpaalam si Rosa na bibili ng supplies nila at paubos na ang stock.Nang sila na lang tatlo ay umakyat sila sa second floor, naglibot-libot hanggang sa makarating sa clothing store. Si Selene ang nag-aya at gustong bilhan ng bagong damit ang anak.Pumasok sila at nagtitingin.Kinarga na ni Kyla ang bata at marami itong tinuturo, karamihan mga damit na mas malaki sa size nito. "'Di mo pa 'yan pwedeng suotin, baby ka pa."Nilapit ni Alessia ang mukha sa tenga nito sabay bulong, "Tita Kyla, help me. Gusto ko bilhan si Mommy ng dress."Napangiti siya saka nakipag-appear sa bata. "Kaya naman pala panay pili mo ng damit na malaki ang size sa'yo. Alin ba ang gusto mo, pili ka lang. May pera ka ba pambili?"Tumango ang inosenteng bata. "I have
PALABAS na si Selene sa ospital kasama ang mga kapwa doctor. Nag-offer pa nga siyang ihatid ang mga ito pauwi para maging malapit agad at bago lang siya.Hindi naman tumanggi ang mga ito at sumunod sa kanya. Nasa likod ng building ang parking lot kaya doon sila dumaan pero nang makita kung sino ang naghihintay habang nakasandal sa kotse ay agad siyang natigilan.Huminto at napatingin sa kanya ang mga kasama. Pagkatapos ay napatingin sa gawi ng lalakeng naghihintay sa labas."Kilala mo?""Boyfriend mo ba?"Magkasunod na tanong ng mga ito.Sa halip na sagutin ang tanong ay sinabihan niya ang mga ito na mauna muna sa kotse. Tahimik ang mga itong sumunod kahit bakas sa mukha ang curiosity.Nang siya na lang ang maiwan ay nilapitan niya si Lucien. Hindi na siya nabigla na makita ito pero hindi niya inasahang isang araw pa lang ay nagpakita na agad ito."Bilisan mo't naghihintay sila sa'kin."Binuksan ni Lucien ang pinto sa passenger seat at kinuha ang bouquet of flowers para ibigay sa asaw
NAGING alerto si Selene habang kumakain sila, may pagkakataong nagagawi ang tingin sa katabing table—kay Athena pero saglit lang at hindi siya nagpapahalata.Mabuti na lamang at mabilis silang natapos kumain at agad na nagkayayaan.Tuloy-tuloy lang si Selene, hindi na pinansin si Athena hanggang sa makalabas. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ay tinawag siya ng dalaga."Wait!"Lumingon si Selene at ganoon din ang mga kasama.May nagtanong sa kanya, "Kilala mo, Dok?""Mauna na kayo, susunod ako," iyon na lang ang sinabi niya. Hindi na nang-usisa ang mga ito hanggang sa tuluyang makasakay sa kotse."Mauuna na kami," paalam ng isa niyang kasamahan habang ang iba ay kumakaway.Ngumiti si Selene at kinawayan din ang mga kasamahan. Nang malayo na ang kotseng sinasakyan ng mga ito ay naglahong bigla ang ngiti sa kanyang labi.Seryoso niyang tiningnan si Athena. "Anong kailangan mo?"Mula sa maamo ay biglang naging matapang ang ekspresyon ng dalaga. "Anong sinabi mo kay Lucien?"Naningkit
ILANG ARAW nang pabalik-balik si Lucien sa ospital para kausapin at kumbinsihin ang asawa na bumalik na sa bahay.Hindi naman ito pinapansin ni Selene, masyado siyang abala para sa ibang bagay at sa nalalapit na paglipat.Mga bandang alas-tres ng hapon ay may naghahanap na naman sa kanya, tapos aba
SERYOSO at nanunuot ang tingin ni Lucien sa kanya kaya kahit mukha man siyang kalmado ay hindi niya pa rin maiwasang maapektuhan."Umalis ka ng bahay."Naglakad si Selene patungo sa desk habang nakapamulsa, itinatago ang nanginginig na kamay sa bulsa ng lab coat. "There's someone occupying my bed."
HINGANG malalim ang ginawa ni Selene, kailangan niyang maging kalmado dahil kung magpapadaig siya sa galit ay baka kung ano pang magawa niyang hindi dapat.Kahit nakalabas na ang dalawa ay paulit-ulit na nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi ni Lara. Alam naman na niya iyon, matagal na pero masaki
PASADO alas-diyes ng gabi, pero nasa office pa rin si Selene. Maya't maya ang tunog ng cellphone pero hindi niya pinapansin kapag si Lucien lang naman.Alam na niya kung anong kailangan nito kaya binabalewala lang niya. Ilang sandali pa ay nagpasiya na siyang magpahinga sa gabing iyon.Papunta na s







