Nagising si Alyana na makirot ang kaniyang ulo, nasapo niya iyon ng mapaupo siya sa kaniyang kama. Na sa tuwing susubukan niyang tumingala ay sakit ng ulo lang ang nakukuha niya. "Aray ko!" Aniya na para bang pasan niya na ang lahat ng sakit sa katawan na mayroon ang mundo."Mabuti at gising na po kayo, Ma'am." Nagulat si Alyana sa boses ng isa sa mga maids na parating sumasalubong sa kaniya sa paggising. Hindi pa naman ganoon katanda ang babae, kung huhulaan niya ay mukhang nasa thirty-five years old pa lamang ito."Nakakagulat ka naman," aniya. Kumilos na siya't dahan-dahan bumaba sa kama. "Anong oras na?" Segunda niyang tanong rito. "Ah, mag-aalas nuebe na po ng umaga Ma,am. Hinihintay na po kayo ni Sir, Sevastian para mag-agahan.""Ah," napausal siyang muli ago dumiretso na sa banyo't nag-asikaso ng sarili. Ang tanong , makakapaghintay kaya si Sevastian sa kaniya. Tiyak na siya sa sarili niyang aabutin siya doon ng oras...."Akala ko hindi ka na makakalabas," sita ni Sevastian
Read more