"NAKU! Ma'am, ang ganda-ganda niyo po. Bagay na bagay sa inyo ang gown na ito. Tiyak na mapapaluha ang groom niyo sa tuwa kapag nagmartsa na kayo sa altar," iyon ang turan ng babaeng nag-a-assists kay Alyana Maurice. Hindi naman kaagad nakasagot si Alyana, nanatili siyang nakatitig sa malaking salaming nasa harapan niya sinisipat ang magandang repleksyong mayro'n siya. Maliit na mukha, magagandang mga mata, perpektong hulma ng ilong at ang pa-coca-cola shape na katawan niya. "Tingin mo?" Walang ka-amor-amor na tanong niya. Naging malamlam ang mga mata ni Alyana, walang masayang emosyong makikita sa kaniyang mukha. Siguro dahil ay alam niyang hindi mangyayari ang senaryong tinuran ng babae kanina. Hindi mapapaiyak sa tuwa si River, baka ang siste ay maburyo pa ito kapag nakita siya. "Puwede niyo bang iksi-an ang laylayan ng gown na 'to? Masyadong old fashioned, hindi pasok sa style ko." Napangiwi ng bahagya ang babae. Nagulat sa request ng kliyente niya. "Ah, s-sigurado
Read more