NASA labas na siya ngayon ng hotel kung saan ginanap ang reception nina Darren and Charmine. Nanghihintay siya ng taxi na siyang maghahatid sa kanya pauwi dahil wala naman siyang jowabels na maghahatid sa kanya hindi gaya ng mga naka-edaran niya. Mukhang napag-iwanan na nga talaga siya dahil ang lalaking kanyang inaasam ay hindi pa niya mawari kung pareho din ba sila ng nararamdaman. Napabalik siya sa kanyang katawang lupa nang marinig niya ang boses ng lalaking pamilyar sa kanya."Hi, Mary, pauwi ka na diba? Pauwi na rin ako, halika sumabay ka na sa akin," alok nito sabay bukas sa passenger seat ng kotse.Matagal niya ito tinitigan bago niya makilala ang lalaki, medyo nahihilo kasi siya sa iniinom niyang wine, nasobrahan siya ata. Kailan lang pinapangarap niya lang na mapansin nito, makausap at makasama ngayon nasa harap na niya."Oh, Mr King, ikaw pala ang gwapo mo talaga, mula noon hanggang ngayon," humuhikhik na hirit niya.Tinitigan siya nito at saka nagsalita, "Lasing ka ba?" ta
最後更新 : 2026-05-25 閱讀更多