Mag-log inSi King ang pinakamasungit, pinakasuplado lalaking nakilala niya. Schoolmate niya ito noong highschool siya, mas matanda ito sa kanya ng isang taon at nang mag-kolehiyo na ito ay 'di na niya ito na kita pa. Marami ang nagsasabing matalino siya, mabait, maabilidad at maparaan ngunit bakit parang kulang pa rin iyon para mapansin siya ng lalaki at kung bakit saan tahimik na buhay niya ay saka naman ito biglang lumitaw at 'di ito nag-iisa kasama nito ang anak na lalaki na gustong-gusto siya at 'di lang iyon magkapitbahay pa sila. Ito namang puso niyang makulit unti-unti na naman bumibigay kahit alam niyang mali, pero mukhang napansin naman siya ng lalaki dahil pinapadalhan siya nito ng mga regalo.
view more"ANO SA PALAGAY MO OKAY NA BA ITO PARA SA IYO?" tanong ni Mariel sa kanya.
Ito ang bestfriend niya na may ari ng condominium unit na nasa Fantasy Condominium. Ibenta kasi ito ni Mariel kaya kinuha na lang niya, doon na kasi ito tumira sa bahay ng mister na kaklase din nila noong high school sila.
Nilibot niya ang tingin sa paligid at nilingon ang babae sabay ngiti. "Hindi lang basta okay, dahil okay na okay ito para sa akin."
Ngumiti na rin ang babae. "Mabuti naman at nagustuhan mo, actually kompleto na ito sa gamit dahil kaunti lang naman ang dinala ko sa unit ng mister ko."
Napansin nga niya iyon. "Oo nga kaya't mukhang mapapabilis ang paglipat ko," sagot niya.
May ilang pa silang pinag-usapan tungkol sa high school days nila.
"Sabi ko naman sa iyo mars, kayo talaga 'yong magkakatuluyan eh, noon eh hate na hate mo 'yang si Ricky. Tingnan mo ngayon siya pa pala naging husband mo," pambubuska niya sa kaibigan
Namula naman si Mariel at iniba ang usapan.
"Mary, naalala mo pa ba si King? Diba crush na crush mo 'yon?" nakangiting anito.
"Aba! Nag-aasar pa talaga." Sa isip isip niya
"Ha? Ah, oo naman hehe, bakit anong meron?" pagsasakay niya sa trip nito.
"Nabalitaan mo bang nag-asawa 'yon tapos naghiwalay sila ng asawa at may anak silang lalaki, ang kyut at gwapo nga eh kamukhang-kamukha ni King," masayang kwento nito.
Tumango-tango naman siya. "Ah gano'n ba? Sayang naman kung gano'n."
Sa narinig ay hindi niya tuloy maiwasang magbalik tanaw sa nakaraang kung paano niya nakilala ang gwapong binata na siyang bumihag sa puso niya...
Maaga ang uwian nila maingay ang mga kaklase niya nakikisabay din siya simpre, masaya silang nagbibiruan ng may dumaan sa harap nila. Napatingin siya sa isang lalaki mataas, maputi at hmm gwapo? Napatingin ito sa kanya ng malalim na parang pinag-aaralan siya nito na siyang pinagtaka niya. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki at nagkatitingan sila hanggang sa bumukas na ang gate. Simula noon palagi na silang nagtatagpo ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit at hindi niya man ma-amin alam niyang nahuhulog na loob niya sa lalaki kaya para maitago iyon, sa tuwing tinutukso siya ng tropa niya eh nilalait niya ito.
"Ba't ba crush na crush ng mga babae 'yang si King na 'yan, eh mukha naman 'yang tuko eh, ang laki ng mata mas gwapo pa nga 'yung kapatid niya," naiinis na komento niya.
"Oyy ikaw ah, aminin mo na kasi nagseselos ka lang, kasi maraming umaaligid sa kanya," sabat ni Juliane.
"Alam mo ikaw, aminin muna kasi na crush mo siya!" pag-aasar naman ni Irene.
"Oo nga naman, 'insan, gwapo niya kaya," kinikilig na dagdag ni Juliane.
"Hmmp ako? Mag-seselos." Tinuro niya ang sarili. "A-S-A, hahaha never ako magka-crush diyan sa bukaw na 'yan no!!" mariing tangi niya.
"Sinungaling!" sigaw naman ng hudas niyang utak
"Oyy, 'wag kang magsalita ng tapos my dear langga, ika nga, "The more you hate, the more you love," giit ni Janjan at ngumisi sa kanya na tila ba inaasar siya nito.
"Oo nga baka lamunin mo lahat ng mga sinasabi mo, ikaw din," makahulugang singit naman ni Irene.
"Che! Tumahimik ka nga, 'di ako magkakagusto doon never," napipikon saway ko.
Napatingin siya sa pwesto ng lalaki naabutan niyang nakatingin ito sa kanya biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Wala sa sariling na pahawak siya sa dibdib niyang walang laman. Oo na sila na 'yung pinagpala, siya na 'yong minalas.
"Hala!! Ano ito? Kinakabahan ako? S-sa tingin niya? Shit!! 'Di 'to maganda," kinakabahang usal ng isip niya.
Kaagad siyang bumawi ng tingin at natulala.
"Psst, 'insan, natulala ka?" nagtatakang tanong ni Juliane.
"Omo!! Hala!! Baka narealize muna-" pabitin na singit ni Charmaine.
"Na inlove na siya kay Mr King yiee," dugtong ni Irene.
"Heh! Hindi ah," namumula tanggi niya sabay iwas ng tingin. Nagsihiyawan naman ang tatlo.
ALAM ni Mary na pag hindi siya umiwas sa lalaki lalo lang siya mahuhulog rito, kaya minabuti niya doon na lang mag tanghalian sa room niya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana kasi doon na naman tumambay ang lalaki sa dinadaan niya, kaya pagkadumadaan siya doon, todo tagu talaga ang lola mo, pero no epek, nakikita pa rin siya ng lalaki.
"Hirap talaga pagtaguan ang taong malaki ang mga mata kasi makikita at makikita ka pa rin," naiinis na bulong niya sa hangin sabay kamot sa ulo.
"Anyare sa iyo teh?" nagtatakang tanong ni Myca na kasama niya ng mga sandaling iyon.
"Ah wala iyon," mabilis na tugon niya sabay wagayway ng kamay.
-------FASTFORWARD------
LUMIPAS pa ang mga araw, gano'n pa din ang mga nangyari dahil laging naroon ang lalaki sa tambayan nito kung saan siya dumadaan.
"Nanadya ata ito eh!" naiinis na bulong ni Mary sa kanyang sarili.
Hapon nang makita niya itong naglalaro ng Volleyball sa school gym nila.
"Ang galing pala nito maglaro ng volleyball ah," namamanghang komento niya.
"Try ko din kaya," nakangiting giit niya.
Kahit pa alam niya sa sariling wala siyang kalam-alam sa gano'n laro pero she just feels to try it. Dahil ba iyon ang larong kinahilingan ng lalaki? Gusto ba niya magpapansin rito? Iyon ang mga katanungan sa isipan niyang hindi niya pa malaman ang sagot sa ngayon. Bago sa kanya ang damdamin na pinukaw ng lalaki. Kung ano man ang kakahinatnan nito ay hindi niya pa mawari pero isa lang na sisiguro niya, wala na siyang ligtas dahil itanggi man niya, lumalaban naman ang puso niya at malakas na sinisigaw ang pangalan ng binata.
...
Binibining mary ✍️
NAPAKIBOT ang labi niya nang makita niya kung sino iyon, walang iba kundi si King. Hindi niya alam pero parang gusto niyang mapangiti sa inaasta ng lalaki, wala pa rin kasi itong pinagbago mahiyain pa din."Teka ahmm, hatid na kita at-at aherm...kailangan ko ng kausap," hindi makatingin na sabi nito. "Ahm...sige halika na," anyaya niya.LABAS ng condo niya nakatayo silang dalawa ng lalaki na kanina pa walang imik, sumusunod lang ito sa kanya na animo'y maamong tupa."Gusto mo bang kumain or magkape?" tanong niya kay King nang buksan niya na ang pinto ng condo unit niya."Hmmm pwede mo ba kong lutuan?" 'di tumitingin na sagot nito."Oo naman, upo ka muna doon, ihahanda ko lang ang kakailanganin ko," aniya niya.Inumpisahan niya na ang pag slice ng kamatis, union at iba pa para sa iluluto niya. Busy siya sa pag hahanda habang kumikembot-kembot ng bigla.........may nagsalita sa likod niya."You look so hot went you dance like that," seryosong komento ni King.Gulat na napatigil naman si
EWAN ba ni Mary pero hanggang ngayon 'di siya makapaniwala sa mga nalaman tungkol sa mag-amang King at Kian, lalo na sa dating asawa ng lalaki sa isipang iyon ay hindi niya maiwasang magbalik tanaw"Ano po ang dahilan ba't ng hiwalay silang, mag-asawa, Tita? Ahmm kung 'di niyo pweding sabihin okay lang po sa akin," bawi niya pero sa totoo lang gustong-gusto niyang malaman.Matagal na tumahimik ang Ginang at saka huminga ng malalim at nagsalita."Alam mo iha gusto ko sanang sabihin sa iyo pero renirespito ko ang anak ko na 'yon kaya pasensyahan muna ha, gusto ko sanang sabihin pero 'di pwede," paliwanang nito."Naiintindihan ko po kayo," alo niya sa Ginang."Salamat ang swerte ng anak ko dahil naging kapitbahay ka niya at naging kaibigan pa," masayang sabi nito sa kanya."Ah, hehehe, 'di naman po masyado. Ako nga po swerte kasi nakilala ko 'yang mag-ama.""Matagal ko hinihintay 'yang anak mo, ewan pero after all this year's l still love him," gusto niyang idagdag pero tinikom niya na l
NAPA-ANGAT siya ng tingin nang marinig niyang tumawa si King. Napakurap-kurap siya sapagkat ito ang unang beses na marinig niya ang tawa nito."You're so cute, Mary," mamaya ay komento nito.Tumaas naman ang kilay niya sa naging papuri ng lalaki. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano dahil hindi niya rin mabatid kung inaasar siya ng lalaki o seryoso ito sa mga sinasabi."By the way, let's go to cafeteria, alam kong gutom ka na kaya't halika ka na muna, ihahabilin ko na lang si Kian sa nurse.""Ahmm..." alinlangang tugon niya at tumingin kay Kian na nakahiga ngayon sa hospital bed nito."It's okay, sandali lang naman tayo," dagdag ni King ng mapansin nitong natahimik siya.Huminga siya ng malalim at tumango, inakay siya ng lalaki palabas sa pribadong silid habang nasa hallway sila ng ospital ay napansin niyang tila wala sa sarili si King habang lumalakad. Hindi niya ito masisi dahil ang pinakamamahal nitong anak ay nandun nakaratay sa hospital bed. Kahit siya man ay nasasaktan ma
HANGA na talaga siya sa pagiging bibo ni Kian, dahil nakaka-aliw talaga ito kausap kaya't hanggang sa mga sandaling ito ay kausap niya pa rin ang bata."Tita Mary, may alam po ba kayo tungkol sa lakad ni Daddy?"Napakurap-kurap siya sa tinanong bata at hindi niya alam kung paano ito sasagutin."Sabi niya po kasi may pupuntahan siya bukas at hindi niya po ako pwede isama, nang tanungin ko kung saan ay iniba po niya ang usapan" dagdag pa ng bata."Ahmm gano'n ba? Baka may date siya-""Hindi po nakikipag-date ang Daddy ko,' mabilis na kontra ni Kian."Paano mo nasabi?" nakataas kilay na tanong niya at nalimutan niyang isang bata ang kanyang kausap."Basta po, hindi po mahilig sa girlfriends ang Daddy ko."Tumahimik na siya dahil wala na din naman siyang maisip na sabihin pa rito."Eh ikaw po, Tita Mary?""Anong ako, Kian?""Nakikipagdate ka din po ba?" parang matandang tanong nito.Napangiwi siya. "Ahmm hindi," alinlangang sagot niya."Bakit hindi po? May boyfriend ka na po ba, Tita Mary


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.