Dito ako tumuloy sa Condo ko at nandito rin si Rhenz."Hay naku as usual ako na naman iniistorbo mo, may shooting ako ngayon,"-irap na sabi nito.Hindi na lang ako umimik."Bakit pumayag ka na agawin ni Stella si Lewis sa iyo, eh noon pa iyan niloloko na iyan ng malanding iyan si Lewis,"-sabi nito na ikinagulat ko."What?""Sabi ko magjowa pa lang ang mga iyan, niloloko na iyan ni Stella si Lewis. Girl nasa showbiz din ako , sinubukan din niya akong akitin," aniya nito.Napabuntonghininga naman ako. Wala akong pakialam kung matagal na niloloko ni Stella si Lewis.Narinig ko may nag door bell, kaya tumayo muna ako para tingnan kung sino ito."Bakit nandidito kayong dalawa?"-It's Jenny and Bea na kapwa nakangiti."Naka on leave kami kaya ikaw muna ang guluhin namin, "-natatawang sabi ni Jenny.Dumiretso na pumasok ang dalawa pero nagulat ang mga ito nang makita si Rhenz.Napangisi tuloy ako, patay kang bata ka!"OMG! Si Rhenz!"-sigaw ni Jenny.Bigla na lang tumakbo ang dalawa kay Rhenz
Read more