Samantha's POVTuluyan siyang pumasok. Walang bahid ng galit o pang-aakusa ang kanyang mukha. Sa halip ay ka-humpayan ang nakikita ko sa kanya. Simpleng nararamdaman ni Adrian ang kagustuhan kong maibalik ang cellphone pero patuloy siyang itinago 'yon.Ayaw talaga niyang ibigay.Suko na ako.Sana lang, habang wala ako sa bahay ay hindi umiyak nang umiyak si Samiel.Tahimik ako. Siya rin. Ang pwestong kinatatayuan niya ay may sapat na distansya sa'kin. Ngayon ay iniisip ko kung ano ang binabalak niya. Gusto kong alamin, gusto kong mabigyan ng kasagutan, inangat ko ang tingin sa kanya ng walang eme o kaartehan."Bakit mo ako dinala dito?" Parang inaasahan niya ng itatanong ko 'to. Sandali siyang hindi kumibo, ilang segundo pa ay ibinuka niya ang bibig, ngunit walang lumabas na salita mula roon.Naiwan niyang nakabukas ang pinto, binalikan niya ito, lumabas, at pabalang na isinarado ito.Maraming katanung
閱讀更多