Adrian's POVHindi ko inakalang darating ang araw na muli ko siyang makita matapos ang pitong taon ng katahimikan. Pitong taon na walang balita, walang mensahe, at walang anumang koneksiyon. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung ano ang dapat na sabihin. Parang may libo-libong salita na gustong kumawala sa labi ko, ngunit wala man lang ni isa ang nagawang lumabas.Pamilyar pa rin ang kanyang mukha, ngunit bakas na rito ang mga pagbabagong dinala ng panahon.Sa loob ng pitong taon, pareho kaming nagpatuloy sa aming buhay, ngunit sa sandaling 'to, tila bumalik ako sa nakaraan.Nagsulputan ang mga alaalang matagal ko nang ibinaon sa limot kasabay ng kanyang pagkawala. I needed further explanations pero walang ni isa ang lumapit sa'kin upang ipaalam kung nasaan siya at ano ang ginagawa niya sa kanyang pinuntahang lugar.Ang mga tawanan noon, mga usapan, at maging ang mga pagkakataong magkasama
Read more