Samantha's POV "Aalis muna kami ng mama n'yo para magkaroon naman kami ng oras dalawa. Parang nitong nakaraang buwan lang ay masyadong busy sa trabaho e," imporma sa'min ni papa habang nakatitig na nakangiting kumindat kay mama. Magkatabi lang silang naupo sa sofa, bale, magkadikit na magkadikit pa nga. "Napakalandi mo, Ben. Nasa harapan ka ng mga anak natin, oh?" Reklamo ni mama ngunit humahalakhak lang si papa. "Ano naman ang masama sa sinabi ko, hon? Nagpaalam lang naman akong aalis tayo, ah! Ikaw yata ang may kakaibang iniisip riyan e," "Tse! Usog ka nga!" "May group project naman kami sa school ngayon kaya ibig sabihin no'n, ikaw lang ate," nilingon ako ni Kristoff, "ang mananatili rito sa bahay nang mag-isa habang wala kami." Pagtatapos niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tinapat pa talaga sa mismong araw kung kailan wala si Adrian. Nagpaalam kasi siya na mawawala siya ng isang linggo dahil sa importanteng pag-uusapan tungkol sa negosyo. kaya'y paminsan-minsan na rin
Read more