Samantha's POV Segundo lang ang inilayo ko'y tinawag na naman ni Adrian ang pangalan ko. Lumabas siya mula sa sasakyan. Hindi siya mapakaling naglalakad palapit sa'kin kaya'y napalingon ako sa malawak na lugar dito sa basement. Natapos na ang trabaho namin sa araw na 'to. As usual, ang meeting spot namin ay dito lang sa parking. He's asking to meet me after work kaya'y sa nakasanayan, matagal akong nanatili sa laboratory upang masiguradong walang ibang tao ang makakasaksi sa'min dito sa basement. Si Karen naman ay tila naiintindihan niyang may kakaiba sa'kin dahil lately, napapansin ko ring palagi siyang nagmamadaling umuwi. Ni hindi niya kinwestyon kung uuwi ba ako sa'min para magkasabay sana kami. Doon pa lang, masasabi ko nang, si Karen ay kilalang-kilala na talaga namin ang isa't-isa. "I'm gonna miss you, Sammy. Uwi ka agad sa'kin, ha? How about this. Ihahatid nalang kita sa inyo at pagkatapos ay..." "Adrian, napag-usapan na natin 'to kagabi hindi ba? Sumang-ayon ka. Isa pa,
閱讀更多