048_When Miss CEO Meets Mr. AgriculturistHindi na nawala sa isip ni Ael ang sinabi ni Zai."Hopefully you're still there."Simple lang iyon.Hindi naman confession.Hindi rin promise.Pero para kay Ael, mas tumatak pa iyon kaysa sa maraming matatamis na salita.Dahil alam niyang hindi basta-basta nagsasalita si Zai tungkol sa hinaharap.At kung isinama siya nito sa future na iniisip nito...Ibig sabihin, seryoso ito.---Lumipas ang ilang araw.Naging mas abala ang lahat dahil papalapit na ang midterm examinations.Halos puno ang library araw-araw.Puno rin ang café.Maging ang study halls ay halos wala nang bakanteng upuan.At gaya ng dati, magkakasama sina Ael, Zai, Mira, Lira, at Jun sa pagrereview.O mas tamang sabihin...Tatlo lang ang nagrereview.Dahil si Lira ay abala sa pagrereklamo."I hate accounting."Ika-limang beses na yata niyang sinabi iyon sa loob ng isang oras."Study."Kalmadong sabi ni Mira."Ayaw ko.""Study.""Pagod na ako.""Study."Napatawa si Jun."Ako naaawa
Leer más