057_When Miss CEO Meets Mr. AgriculturistIsang gabi na lamang.Isang tulog na lamang.At bukas...Magiging mag-asawa na sina Ael at Zai.Ngunit imbes na mahimbing na natutulog, nakaupo si Ael sa veranda ng kanilang bahay habang nakatanaw sa madilim na kalangitan.Tahimik ang paligid.Malamig ang hangin.At kahit ilang buwan nilang pinaghandaan ang kasal...Hindi pa rin niya maiwasang kabahan."Ate," saad ni Alaric habang papalapit at may dalang dalawang tasa ng mainit na tsokolate, "hindi ka pa natutulog?"Napalingon si Ael at bahagyang ngumiti."Ikaw rin naman," sagot niya habang tinatanggap ang tasa.Umupo si Alaric sa tabi niya at sumandal sa upuan."Excited ako para bukas," saad nito habang nakatingin sa mga bituin.Napatawa si Ael."Bakit parang ikaw ang ikakasal?""Dahil favorite brother ako.""Only brother ka.""Exactly."Napailing siya habang natatawa.Ilang segundo silang natahimik.Hanggang sa naging seryoso si Alaric."Ate," saad nito habang nakatingin sa kanya, "happy ka
Leer más