“MILAGROS POV”NAPAGOD naman ako kakahintay kay Thunder dahil ang sabi niya saakin ay magkakaroon sila ng meeting kasama ang nanay niya tungkol sa sinabi ko sakaniya na mag aaral ako sa lugar namin, Hindi ko alam kung bakit sobrang big deal sakaniya lahat ng iyon.Naisipan ko na lamang na tawagan ang boy best friend ko kesa hintayin siya baka makatulog lang ako bago ako makakuha ng matinong sagot galing sakaniya.“Hello bes!” napatawa naman ako, mukha kasing bakla ang lalaking ito.“Kumusta diyan, ano? handa kana ba sa pasukan” napangiti ko namang wika habang may hawak hawak na chocolate sa isang kamay.“Hindi, paano ako sasaya e wala ka dito sino nalang kasama ko mag cutting classes” natawa naman ako sa sinabi niya, kahit kailan ay wala talagang pag babago ang lalaking ito.“Ano ka ba naman, sabi mo kay itang ay hindi ka na gagawa ulit ng kalokohan” rinig ko naman ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya.“Oo naman, ano ka ba nag bibiro lang ako bes, nga pala nasabi mo na ba sa
Read more