Mahigpit na nakahawak si Caleb sa manibela ng kanyang sasakyan. Halos mamuti ang mga buko sa sobrang higpit ng pagkakahawak. Muli niyang pinindot ang redial, ngunit wala pa ring sumasagot.“Sagutin mo ang tawag, Samantha. Sagutin mo!” halos mabasag ang boses niya habang kinakausap ang sarili.Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Kumalabog ang mga gulong sa kalsada habang nagmamaneho siya na tila isang baliw.Naninikip ang kanyang dibdib, para bang hindi na siya makahinga. Images kept flashing in his mind, the sound of her laugh, slurred with alcohol, then that terrified yelp.“Shit!”Mas idiin pa niya ang silinyador, walang pakundangang sumisingit sa pagitan ng mga sasakyan. Wala siyang pakialam kahit pula ang ilaw ng trapiko. Sunod-sunod ang malalakas na busina ng mga truck, ngunit hindi siya huminto. Madilim ang kanyang kulay-abong mga mata, puno ng matinding takot. Kinapa niya ang isa pa niyang cellphone na nasa katabing upuan. Hindi na niya ito tinignan pa habang kinukuha. Pagk
اقرأ المزيد