Ibang mundo talaga ang backstage. Napakalaki ng kaguluhan sa loob, ngunit kontrolado pa rin ang lahat. Gumagalaw ang mga makeup artist na para bang mga makinang walang kapaguran, abala sa mga brush, pulbos, at spray na hawak nila. Paroo't parito naman ang mga stylist sa pagitan ng mga rack ng damit. Samantala, nakaupo ang mga modelo sa magkakasunod na hanay, kalahating bihis, kalahating naghahanda habang umaaligid sa hangin ang halo ng kaba at pananabik.Today was finally the day. At bawat isa sa kanila ay punong-puno ng excitement. Lalo na ang mga bagong modelo na unang beses pa lamang makikilahok sa ganitong klaseng palabas.Ang boses ni Nathalie na paminsan-minsang umaalingawngaw sa buong silid. Tulad ni Caleb na CEO, at ng iba pang may malalaking posisyon sa agency, halos walang pahinga rin ang ginawang pagtatrabaho ng babae mula pa kahapon.Nang makapasok si Caleb sa hall, bahagyang nahati ang kaguluhan. Agad na inayos ng lahat ang kanilang kilos. Pati si Nathalie, ang assistant
Baca selengkapnya