VIVIENNE ANASTASIAAt habang ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pag aalaga niya sa bata. “Huwag ka nang umiyak.” Mahina niyang sabi habang inaayos ang kumot ni Isaac. “We're here na.” Agad namang kumalma si Isaac dahil sa kanyang boses. Samantala, mabilis kong inayos ang tray sa gilid ng kama. Inilapag ko ang lugaw, gamot, tubig, at ang plangganang may malamig na bimpo. Bago ko siya pakainin ay marahan ko munang pinunasan ang buong katawan. Bahagya siyang napapikit nang maramdaman ang malamig na tela sa kanyang balat. Pagkatapos ay maingat kong idinikit ang kool fever sa kanyang noo. “Kumain ka muna.” Mahina kong sabi. Tumango lamang siya bilang tugon, ngunit napansin kong mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa damit ni Leandro. Parang ayaw niyang bumitaw. Bahagyang umusog si Leandro upang makaupo rin ako sa kabilang tabi ni Isaac. At sa isang iglap, para kaming bumuo ng maliit na mundo sa ibabaw ng kama. Nasa gitna si Isaac. Habang kaming dalawa
อ่านเพิ่มเติม