Napakagat sa labi si Alyanna at lalong nanlambot ang kanyang ekspresyon.Inilapag niya ang bag saka pabuntong hiningang sumagot. “Sige, magluluto ako.”Pumunta si Alyanna sa kusina at nagsimulang mag-ayos ng pagkain.Laging may nakahandang gulay at karne sa kanyang ref. Hindi kasi siya nakakalimutang ipag-grocery ng kanilang mga kasambahay. Dati rati, kapag hindi siya abala, siya mismo ang nagluluto ng pagkain habang matiyagang hinihintay si Paolo na umuwi.Kahit hindi ito umuwi sa oras ng hapunan at late na itong dumating, siya pa rin ang nag-iinit ng pagkain para rito.Subalit ni minsan, hindi iyon ginalaw ni Paolo. Palagi lang nitong sinasabi na hindi niya kailangang gawin ang mga ganoong bagay.Sa loob ng anim na taon, sa tuwing sinusubukan niyang gampanan ang tungkulin bilang asawa, palagi siyang tinatanggihan ni PaoloNgayon na ayaw na niyang gawin iyon, saka naman siya inuutusan nito.Hindi na masyadong nag-isip si Alyanna. Gusto na lang niyang matapos agad ang pagluluto at nan
اقرأ المزيد