“Who’s this young gentleman with you?”Napunta ang tingin ni Dr. Sanchez sa binatang nakaupo sa tapat ni Alyanna. Ngumiti si Alyanna habang nagpapakilala.“Kapatid ko, Vincent Andrew Merced.”Napangiti si John at kusang iniabot ang kanyang kamay.“Nice to meet you, Vincent. I am Dr. John Sanchez, malapit na kaibigan ng ate mo.”Bahagyang nahiya si Vince habang nakikipagkamay. “Vince na lang po. Nice to meet you, Doc.” Napangiti si Alyanna. “Kuya, sinong kasama mo?”“Ah, mga high school friends lang.” Habang nagsasalita, kumaway siya sa ilang taong nasa ikalawang palapag. Halatang may mga sinabi sa buhay ang mga kasama ni John. Namukaan ni Alyanna ang karamihan. Galing sila sa mga mayayamang pamilya.“Hindi ba sabi mo ililibre mo ako ng pagkain? May utang ka pa sa akin na isang meal, ha?”Bigla iyong naalala ni Alyanna. Napangiti siya.“Ay, oo nga. Kung hindi mo ipinaalala, talagang makakalimutan ko. Kailan ka ba libre?”Nagkibit-balikat si Dr. Sanchez. “Kahit kailan.”Tumango si Aly
더 보기